Morpolohikal na Varyasyon Sawikang Mandaya ng Davao Oriental
Journal: Asia Pacific Journal of Education, Arts and Sciences (Vol.1, No. 5)Publication Date: 2014-11-15
Authors : RAYMUND M. PASION;
Page : 129-135
Keywords : Mandaya; Morpolohikal; Varyasyon; Wika;
Abstract
Ang pag-aaral naito ay naglalayong tuklasin ang morpolohikalna varyasyon sa Wikang Mandaya na matatagpuan sa Probinsyang Davao Oriental. Ang mga terminong kultural na pangkabuhayan ? pagsasaka, pangangaso, pangingisda at paghahayupan, batay sa Indigenous Knowledge System and Practices (IKSP) ay ginamit bilang lunsaran ng paglilikom ng mga datos. Sinikap sagutin sa pag-aaral ang mga suliraning: (1) Anong pagbabagong morpoponemiko ang makikita sa mga terminong kultural na pangkabuhayan ng Mandaya ng Caraga, Manay, Bagangaat Cateel? (2) Paano nagaganap ang pagbabagong morpolohikal sa apat na dayalekto ng Mandaya? Kwalitatibo ang disenyo ng isinagawang pagaaral.Metodong indehinusat deskriptibo naman ang ginamit mula sa paglilikom hanggang sa pag-aanalisa ng mga datos at ang mga impormante ay pinili sa pamamagitan ng kombinasyong purposive at snow-ball sampling. Natuklasan sa pag-aaral na mayapat na uri ng pagbabagong morpoponemiko ang nagaganap sa salita ng iba’t ibang dayalekto ng Mandaya. Ito ay ang pagpapalit ng ponema, pagkakaltas ng ponema, pagdaragdag ng ponema at metatesis. May tatlong kaso ng pagpapalit ng ponema ang natuklasan? (1) /l~l/ → /l/; (2) glide /l~l/ → /w/; at (3) /o/ → /u/ at vice versa. Ang kaso naman ng metatesis sa salita ay nangyayari sa Manay. Sa lugar ng Baganga, nagkakaroon ng pagkakaltas mula sa anyo ng salita sa Manay. Sa pangkalahatan, natuklasang ang wikang Mandaya ay nagkaroon ng varyasyong morpolohikal dahil sa paktor na heograpikal, sikolohikal at sosyolohikal na nagaganap.
Other Latest Articles
- Evaluating Students? Perception of Variables that promote Creative Learning of School Algebra for Economic Development and Sustainability
- The Charming Life of Gay College Students
- Attrition and Retention in Higher Education Institution: A Conjoint Analysis of Consumer Behavior in Higher Education
- Functional Teacher Education Programme For Managing Security Challenges and National Development in Nigeria
- Infection Control in the Use of Urethral Catheters: Knowledge and Practices of Nurses in a Private Hospital in Iloilo City
Last modified: 2014-12-03 10:24:36